MENU

Tuluyan ng nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng NPA nitong ika-21 ng Agosto 2021 dakong 8:45 ng gabi sa mismong istasyon ng Gubat MPS. Ang walang humpay na pagsasagawa ng Pulis Kasanggayahan katuwang ang Philippine Army nang iba’t ibang inisyatibo sa kampanya nito laban sa terorismo ang naging daan upang mahimok ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na manumbalik ang tiwala at suporta sa pamahalaan. Itinago ang katauhan ng dalawa sa pangalang “Ka Dark”, 38 anyos, at miyembro ng Larangan Guerilla 1 Sorsogon, Platoon 3, Celso Minguez Command, Sorsogon; at si “Ka Saday” 65-anyos at isang aktibong kasapi ng Militia Ng Bayan. Sila ay pawang mga residente ng Sitio Ariman Odok, Brgy. Bentuco, Gubat, Sorsogon. Bukod dito, isinuko rin ni “Ka Dark” ang isang kalibre .45 TM infinity unobtanium na may serial number na 748631; at dalawang magasin na kargado ng pitong (7) bala. Si “Ka Saday” naman ay isinuko rin ang kanyang armas na kalibre .38 na walang serial number at kargado rin ng apat na bala. Sila ngayon ay nasa kustodiya na ng Gubat MPS para sa debriefing bago sila isailalim sa programang Enhanced Comprehensive Local Integrated Program o ECLIP. Sa ilalim ng proyektong ito, sila ay mabibigyan ng pagkakataong yakapin ang pagbabago at magandang bukas na naghihintay at nakalaan para sa kanilang pamilya. Ito rin ang magsisilbing mekanismo para tulungan silang makabalik sa komunidad bilang kapaki -pakinabang na mga mamamayan. Ang Pulis Kasanggayahan sa pamumuno ni PCOL ARTURO P BRUAL JR at Philippine Army ay patuloy na magtutulungan para maipatupad ang mga adhikain ng Whole - of-Nation- Appoach upang tuluyan nang mabuwag ang terorismo sa ikatatahimik at ikauunlad ng lalawigan ng Sorsogon. Hinihimok din ang iba pang miyembro ng rebeldeng grupo na kusang sumuko sa pamahalaan habang hindi pa huli ang lahat.

Provincial Director

112.jpg