MENU
Dahil sa pinaigting na kampanya ng Pulis Kasanggayahan laban sa iligal na droga, nahulog sa isang buy-bust operation ang isang drug personality na kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated Database nitong 5:40 ng umaga, Agosto 19, 2021 sa Brgy. Zone 7, Bulan Sorsogon.Base sa ulat ni PLTCOL JASON REY C COLICO kay Provincial Director PCOL ARTURO P BRUAL JR, nadakip nila ang suspek matapos itong makipagtransaksyon sa police poseur buyer na kung saan nakumpiska mula sa kanya ang iligal na droga na may DDB street value na Php 8,840.00.Pinuri ng Provincial Director ang matagumpay na operasyon na pinangunahan ng PDEU SOR PPO sa tulong ng PIU SOR PPO at Bulan MPS. "Sa ngalan ng buong puwersa ng Pulis Kasanggayahan, makakaasa po ang ating komunidad na mas lalong paiigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga para walang makalusot na mga tulak ng droga sa ating Probinsya," pahayag ng butihing Provincial Director.

Provincial Director

112.jpg