MENU

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Sorsogon City Police Station sa pamumuno ni PMAJ JERIC DON P SADIA, Officer in-Charge, CIDG- Sorsogon, Sorsogon 1st PMFC, at HPG- Sorsogon, ang tinaguriang No. 2 City Most Wanted Person ng Sorsogon City Police Station sa ganap na 9:10 ng umaga, ika- 18 ng Agosto taong kasalukuyan, sa Brgy.Poblacion 8, Cuenca, Batangas.Inaresto ang 58 taong gulang na suspek na residente ng Brgy. Cabid-an, Sorsogon City sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court Br 12, Sorsogon City, na may petsang 26 July 2021, sa kasong Panggagahasa (RAPE) at FORCIBLE ABDUCTION (RPC Art. 342) sa ilalim ng Criminal Case No. 2021-11941C at 2021-11942C na walang nirekomendang piyansa.Ayon sa report kay Provincial Director PCOL ARTURO P BRUAL JR ng hepe ng SOR CPS, Pebrero 28, 2021 dakong 6:30 ng umaga sa Brgy. Buhatan, syudad ng Sorsogon nang tangayin ng suspek ang menor de edad na biktima habang papunta ito sa kanyang paaralan at dinala sa Lipa, Batangas upang pwersahan itong gawing live-in partner sa loob ng mahigit isang taon. Inabuso na ng suspek ang biktima bago pa nya ito dalhin sa Lipa at tinakot nya ang biktima na isisiwalat nya sa mga magulang nito ang nangyari kaya sa takot ng bata napilitan itong sumama sa buhong na suspek. Walang nakakaalam sa kinaroroonan ng bata subalit noong Marso 2021, nakahanap ng pagkakataon na makahingi ng tulong ang kawawang biktima ng ito ay magkaroon ng cellphone at nakontak ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng Facebook.Ang menor de edad na biktima ay nasa piling na ng kanyang mga magulang nitong Abril 2021 samantalang ang suspek ay nasa kustodiya na ng Sorsogon CPS para sa kaukulang disposisyon bago ito iharap sa husgado.Kakaharapin naman nya ang dalawang malalaking kaso na walang kaukulang piyansa kaya siya ay mabubulok sa kulungan kapag napatunayan ng hukuman ang kanyang krimeng nagawa.Hinihikayat naman ng buong pamunuan ng Sorsogon PPO ang pagpapaigting ng ugnayan ng PNP at komunidad laban sa kriminalidad. Patuloy po kayong makipagtulungan sa PNP sa pamamagitan ng pagreport ng mga Wanted Persons na maaaring mamataan sa inyong lugar."Gawin po nating mas ligtas ang ating pamayanan, pangalagaan po natin ang mga kabataan laban sa mga sekswal na pang-aabuso, magsumbong agad sa pinakamalapit na istasyon ng PNP para maaksyunan agad ito," pahayag ng Provincial Director.

Provincial Director

112.jpg