MENU
Sa patuloy na pag-arangkada ng kampanya laban sa kriminalidad sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director PCOL ARTURO P BRUAL JR at sa pinagsanib na puwersa ng Intel Operatives ng PIU- Sor PPO (lead unit), katuwang ang 2nd PMFC at Matnog MPS ay naaresto ang isang akusado nitong Agosto 4, 2021 dakong 8:45 ng umaga sa Brgy. Sulangan, Matnog, Sorsogon sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest sa krimeng pagpaslang o MURDER na parehong inisyu ng hukom ng RTC Branch 55, Sorsogon City na nilagdaan noong December 22, 2014 at July 10, 2012. Ang suspek na 36 taong gulang at residente ng Brgy. Lajhong, Matnog, Sorsogon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Matnog Municipal Police Station at nahaharap sa dalawang kaso ng murder.Nagpahayag naman ng kagalakan ang Provincial Director na si PCOL ARTURO P BRUAL JR dahil sa tulong at patuloy na kooperasyon ng komunidad sa PNP kaya nagiging matagumpay ang pagpapatupad ng Manhunt Operations.

Provincial Director

112.jpg