MENU
Sorsogon City- Ala una ng hapon ng Hulyo 24, 2021, sa pinagsamang mga operatiba ng Sorsogon City Police Station CPDEU (lead Unit), PDEA-Sorsogon at Sorsogon PPO PDEU sa koordinasyon sa PDEA ROV ay naisagawa ang Buy-Bust Operation na nagresulta sa pagkaaresto ng isang bagong tukoy na drug personality na kilala sa pangalang Hansels, 37 taong gulang, may asawa at residente ng Bacon, Sorsogon. Ang nasabing matagumpay na operasyon ay isinagawa sa Sitio Gabao Brgy. San Roque Bacon District Sorsogon City.Kalaboso rin ang isang lalaki dahil sa pakikialam at pagkuwestiyon nito sa legalidad ng operasyon habang isinasagawa ito ng mga operatiba. Napag-alaman na itong si Amelito, 43 taong gulang, may asawa, solar contractor na taga Sirangan, Sorsogon City ay walang kaabog-abog na dumating sa nasabing lugar at nagtangkang harangin ang lehitimong operasyon ng pulisya.Tinatayang halaga na umabot sa Php 346, 400.00 ang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga.Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 & 11 ng Article II of RA 9165 ang tulak ng droga samantalang paglabag naman sa PD 1829 o mas kilala sa tawag na Obstruction of Justice ang kakaharapin ng lalaking nakialam sa operasyon.Pinuri naman ng Provincial Director na si PCOL ARTURO P BRUAL ang masigasig na operasyon laban sa droga ng mga tauhan ng Pulis Kasanggayahan at nangakong mas paiigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga dahil maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Provincial Director

112.jpg