Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal

Pinasinayahan ni PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR, Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, ang isinagawang Groundbreaking Ceremony ng PRO5 Regional Crime Laboratory Office Building nitong Mayo 30, 2021 sa loob ng Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Ang bagong gusaling ito ay magbibigay daan upang mapabilis ang pagtugon sa mga impormasyon at kaganapan mula sa ating mamamayan sa iba’t ibang lugar sa Bicol. Isa rin itong paraan upang mas ilapit ang serbisyo ng PNP sa ating mga komunidad.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan rin ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, PRO5; miyemro ng Command Group at Directorial Staff. 

PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR, Chief PNP, was cordially welcome by the men and women of Police Regional Office 5 on May 30, 2021 in front of the PRO5 Admin Building Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City, for his 2-day Command Visit in the Home of the Kasurog Cops.

With him are PMGEN RHODEL O SERMONIA, TDPCR; PMGEN FERDINAND O DIVINA, DIPO-SL and PBGEN ERIC E NOBLE, PCADG.

The arrival honor was hosted by PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, PRO5.

PGEN ELEAZAR will grace various significant activities during the span of his visit. 

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City - Malugod na tinanggap ng KASUROG Cops sa pangunguna ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, si Gobernador Dennis G Pineda ng Lalawigan ng Pampanga sa pagbisita nito sa Police Regional Office 5 netong Huwebes, Mayo 27, 2021.

TINGNAN: Dinaluhan ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ang isinagawang 2nd Quarter Full Council meeting ng RTF-ELCAC 5, Task Force Katoninungan Asin Kauswagan nitong Mayo 25, 2021 sa Albay Astrodome, Legazpi City.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City---Ang buong pwersa ng kapulisan sa Bicol ay patuloy ang pagtugon sa programa at deriktiba ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng Intensified Cleanliness Policy kung saan sinimulan na nga ang paglilinis sa mga pasilikad nito mula sa Regional Headquarters (RHQ), Municipal Police Stations (MPS) at National Support Units (NSUs).

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City— Sa layong mapabilis ang pagrereport ng mga insidente at reklamo ng mga mamamayan, inilunsad ng PNP sa pangunguna ni PNP Chief, PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR ang “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” ngayong araw, Mayo 17, 2021.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City--- Pinairal ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, PRO5 ang pantay na pagtatalaga ng unit assignment ng kapulisan sa Bicol matapos nitong daanin sa palabunutan ang pagtukoy sa magiging unit assignment ng mga nagtapos ng BISOC noong ika-14 ng Mayo 2021.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City---Ang Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, ay nakiisa sa pormal na paglulunsad nang proyekto ng PNP na “Barangayanihan Help and Food Bank” na naglalayong muling palawakin ang pagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan sa gitna ng hamong ating kinakaharap dulot ng COVID-19 pandemic noong ika- 14 ng Mayo 2021 na ginanap sa PRO5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City. Ito rin ay dinaluhan ng iba pang mga Police Regional Offices sa buong bansa.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Pinangunahan ni PBGEN C ESTOMO, Regional Director, Police Regional Office 5, ang pagtatapos ng 621 bagong sibol ng kapulisan sa isinagawa nitong pagsasanay sa ilalim ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) noong ika-14 ng Mayo 2021 na ginanap sa PRO5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Thursday, 13 May 2021 17:07

RD ESTOMO BUMISITA SA CAMARINES SUR PPO

Personal na pinuntahan ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, Police Regional Office 5 ang Camarines Sur Police Provincial Office upang malinaw na maipaabot at paalalahanan ang mga miyembro nito hingil sa mga programa at adhikaing ipinapatupad ng bagong administrasyon sa pamumuno ni PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZR, Hepe ng Pambansang Pulisya, na nakatuon sa Intensified Cleanliness Policy.

Page 5 of 55