Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 05 April 2021 09:36

"NPA nagpasabog ng IED, 2 sibilyan sugatan" Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Dalawang inosenteng sibilyan ang sugatan sa pagsabog ng pinaniniwalaang "Improvised Explosive Device" (IED) na hinihinalang itinanim ng mga rebeldeng NPA sa Purok 5, Brgy. Allang, Ligao City nitong ika-3 ng April 2021 bandang 8:25 ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Posiquit, residente ng Brgy. Paulba, Ligao City, Albay; at si Jaymar Reobilo, 16 taong gulang, "bystander", at residente ng pinangyarihan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, si Posiquit ay lulan ng kanyang tricycle patungo sa Ligao City proper mula sa Pio Duran, Albay, nang biglang may sumabog sa bandang kanan ng daan.

Nagtamo ng injuries ang dalawang biktima na agad namang dinala sa Josefina Belmonte Duran-Albay Provincial Hospital, Ligao City upang malapatan nang agarang lunas.

Ang kapulisan ng Ligao City Police Station, Provincial Explosives Ordnance and Canine Unit Albay (PECU Albay), Criminal Investigation and Detection Group Albay Provincial Field Unit (CIDG Albay PFU), 1st Albay Provincial Mobile Force Company (1st Albay PMFC), at Provincial Intelligence Unit, Albay Police Provincial Office (PIU, Albay PPO) ay kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga NPA na nasa likod ng nasabing pagpapasabog.

Nakuha naman ng mga otoridad ang pagsuporta ng mga miyembro ng komunidad sa lugar kung saan patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga ito upang iwaksi at tuldukan ang mahabang panahong pananakot at karahasan ng mga NPA sa lugar.

Ang aktibong kooperasyon ng komunidad sa isyung ito ay isa lamang patunay sa pagkamulat at paninindigan ng sambayanan para labanan ang NPA sa Bicol.

Ang PNP, kasama ang AFP, ay mananatiling nagkakaisa at katuwang ng publiko sa pagkamit ng katahimikan at kaunlaran sa buong rehiyon.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa upang hikayatin ang mga natitira pang kaanib ng rebeldeng grupo upang magbalik-loob at tanggapin ang pagbabagong handog ng gobyerno.

Read 343 times
Login to post comments