Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Thursday, 10 December 2020 13:56

PRO5 namigay ng relief goods sa Oas Albay Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang salantahin ang buong rehiyon ng sunod-sunod na bagyo, ang PNP Bicol ay patuloy pa rin sa pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.

Muling namigay ng relief goods ang Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN BART R BUSTAMANTE sa 250 na residente ng Oas, Albay na isinagawa sa Oas Tennis Covered Court, Oas Albay noong ika-9 ng Disyembre 2020.

Bilang parte ng programa ng PRO5 na Kasurog-Soup Kitchen, ang kapulisan ng Bicol ay namigay din ng libreng pagkain. At upang makapagbigay ng konting aliw sa mga residente ng nasabing lugar, ang grupo ay naghandog ng maikling sayaw.

Sa mensaheng binigay ni RD Bustamante kanyang binigyan ng inspirasyon ang mga dumalo sa nasabing aktibidad, “Alam po namin ang hirap na masalanta ng bagyo lalo na ang mawalan ng tahanan at kabuhayan. Sana po sa konting bagay na ito ay matulungan kayo sa muli ninyong pagbangon at pagsisimulang muli. Wag po sana kayong mawalan ng pag-asa sapagkat marami po tayong mga kakabayan gaya po sa aming hanay na nakahandang tumulong at umalalay sa mga panahon ng pangangailangan at pagsubok”.

Read 511 times Last modified on Friday, 11 December 2020 10:19
Login to post comments