Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Wednesday, 09 December 2020 12:00

PNP BICOL NAMAHAGI NG RECHARGEABLE LAMPS SA TIWI ALBAY Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Muling nag paabot ng tulong ang Kapulisan ng Bicol sa pamumuno ni PBGEN BART R BUSTAMANTE, RD, PRO5 sa mga residente ng Tiwi, Albay sa pamamagitan ng pamamahagi ng 500 pieces rechargeable lamps na syang magsisilbing ilaw at liwanag habang ang buong munisipalidad ay wala paring suplay ng kuryente dulot ng mga nagdaang bagyo noong ika-7 ng Disyembre sa Tiwi Central School, Tiwi, Albay.

Ang mga nasabing rechargeable lamps ay nagmula sa Filipino-India Commerce and Welfare Society, Incorporated na pinamumunuon ng mag asawang Mr. James and Bianca Kumar.

“Kami po sa hanay ng pulisya ay laging nakahandang umalalay at mag abot ng tulong sa abot ng aming makakaya. At nagpapasalamat kami na marami pa rin ang may mabuti ring kalooban na tumutulong sa ating mga gawain. Kaya naman po sa kabila ng pagkawasak at masamang epekto ng bawat kalamidad na ating kinakaharap ay wag po tayong mawawalan ng pag-asa. Patuloy po tayong magpakatatag di lamang para sa ating mga sarili kundi para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay. Kami po ang inyong PNP. Kasama ninyo sa sabay sabay nating pagsisimulang muli at pagbangon”, RD BUSTAMANTE.

Read 494 times Last modified on Friday, 11 December 2020 10:20
Login to post comments