Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 22 November 2021 18:44

CPNP CARLOS binisita si PMSGT Brabante sa Albay Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City--- Ipinamalas ni PGEN DIONARDO B CARLOS, Hepe ng Pambansang Pulisya, ang “Alagang Carlos” nang bisitahin nito si PMSG Ricky S Brabante sa kanyang mismo tahanan.

Si PMSGT Brabante ay biktima ng pananakit ng isang opisyal na nakatalaga sa Aviation Security Group.

Nitong ika- 21 ng Nobyembre, 2021 dumating sa Bicol si CPNP CARLOS upang dalawin at kumustahin ang kalagayan ni PMSG Brabante ng Regional Mobile Force Battalion mula sa natamo nitong injury sa panghaharass ng isang opisyal na kinilalang si PCOL DULNOAN D DINAMLING JR, nakatalaga bilang Regional Commander ng Aviation 5.

Kasama si PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ipinaabot ng CPNP ang pagkalungkot sa nangyari. Tiniyak nito ang buong pagsuporta sa pagkamit ng naaayong hustisya at pantay na pagdinig sa kaso upang mapanagot ang may sala.

Sa katunayan bumuo na din ng Special Investigation Task Group upang mas mapabilis at napadali ang ginagawang imbestigasyon.

Agad namang inaksyunan ni RD ESTOMO ang pangyayari sa pamamagitan nang pagrerekomenda sa Direktor ng Aviation Security Group na sibakin sa pwesto ang abusadong opisyal.

Siniguro naman ni PGEN CARLOS at RD ESTOMO ang tulong pinansyal habang patuloy ang pagpapagaling ni PMSG BRABANTE sa isinagawa ditong operasyon sa kanyang kanang mata.

Ang PNP Bicol alinsunod sa mga programa at direktiba ng kasalukuyang administrasyon ay mahigpit na ipapatupad ang batas at paghulma ng disiplina sa bawat miyembro nito.

Hindi rin palalagpasin at pinahihintulutan ang karahasan at pananamantala sa loob ng organisasyon. Lalong paiiralin ng pamunuan ang pantay na pagtingin at respeto sa karapatan ng bawat tauhan nito ano man ang katungkulan at rango. 

Read 32 times Last modified on Wednesday, 24 November 2021 11:06
Login to post comments