Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Saturday, 12 June 2021 09:29

RD Estomo nakiisa sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City---Ang buong hanay ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, kasama ang bawat Pilipino ay nakiisa sa pagdiriwang ng ika-123 taon ng Araw ng Kalayaan ngayon, Hunyo 12, 2021 na may temang, “Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.”


Ang taunang pagdiriwang na ito ay simbolo ng pagpapahalaga sa natatanging kontribusyon at sakripisyong ipinamalas ng ating mga bayani sa pagkamit ng isang malayang bayan mula sa mapaniil na kamay ng mga dayuhan.

Ito rin ay isang paraan upang patuloy na ipaalala sa bawat Pilipino na ingatan at pagyabungin ang kasarinlang ating tinatamasa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga aktibidad kontra kriminalidad.

Ang PNP Bicol ay mananatiling matatag at lalong magpupursige sa paglulunsad ng iba’t ibang programa, inisyatibo at operasyon laban sa iligal na droga, terorismo, insurhensya at iba pang mga police operations upang matiyak ang ligtas, tahimik at progresibong pamayanan.

Bilang bahagi ng pagdaraos ng pagdiriwang na ito, ang PRO5 ay nagsagawa ng simpleng Flag Raising Ceremony sa harap ng grandstand ng Camp Ola.

“Magkaisa tayong lahat upang isakatuparan ang misyon ng ating organisasyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa programa ng ating Hepe ng Pambansang Pulisya, PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR upang matamo ang tunay at makabuluhang pagbabago sa ating hanay at sa ating mga pamayanan”, pahayag ni RD Estomo.

Read 355 times Last modified on Tuesday, 22 June 2021 09:45
Login to post comments