Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 24 May 2021 08:42

Mga kampo at himpilan ng PNP Bicol inihanda bilang karagdagang pasilidad sa pagbakuna Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City---Ang buong pwersa ng kapulisan sa Bicol ay patuloy ang pagtugon sa programa at deriktiba ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng Intensified Cleanliness Policy kung saan sinimulan na nga ang paglilinis sa mga pasilikad nito mula sa Regional Headquarters (RHQ), Municipal Police Stations (MPS) at National Support Units (NSUs).

Kasabay rito ang paghahanda sa posibleng paggamit ng mga establisyemento ng PNP sa rehiyon sa darating na pagbakuna sa mga essential workers at iba pa nating mga kababayan sa darating na katapusan ng Mayo.

Alinsunod sa utos at pagsuporta sa kasalukuyang Chief, PNP PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR, bukas ang himpilan ng PNP upang magsilbing karagdagang lugar para sa nalalapit na malawakang pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa pagsasagawa nito, titiyakin rin ang mahigpit ang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang hawaan sa mga dadalo sa naturang aktibidad.

Sa kasalukuyan, 480 na tauhan ng Police Regional Office 5 ang nabigyan na nang bakuna. Kabilang dito ang 53 mula sa Regional Medical and Dental Unit 5; 50 sa Regional Support Unit; 52 sa Masbate; 41 sa Catanduanes; 37 sa Camarines Norte; 73 sa Camarines Sur; 74 sa Albay; 82 sa Sorsogon; at 18 sa Naga.

Pinaalalahanan naman ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, ang lahat na magingat upang makaiwas sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan nang pagsuot ng face mask at face shield bilang proteksyon.

Read 457 times Last modified on Wednesday, 30 June 2021 16:20
Login to post comments