Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 17 May 2021 13:52

PNP inilunsad ang “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City— Sa layong mapabilis ang pagrereport ng mga insidente at reklamo ng mga mamamayan, inilunsad ng PNP sa pangunguna ni PNP Chief, PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR ang “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” ngayong araw, Mayo 17, 2021.

Ang proyektong ito ay isang sistema na magsisilbing tulay upang agad na matugunan ng pulisya ang mga insidente ng krimen, aksidente at iba pang pangangailangang panseguridad sa pamayanan pati na ang mga sumbong ng katiwalian at pangaabuso ng mga pulis sa ating mga kababayan.

Bukas 24 oras ang hotline ng PNP sa numerong 09191601752 (SMART) at 09178475757 (Globe) upang tumanggap ng mga hinaing at ulat sa mga kaganapan sa kanilang lugar.

Ang programa ay bahagi ng polisiya ng kasalukuyang CPNP na si Gen. Eleazar na Internal Cleanliness Policy (ICP) na naglalayong linisin ang buong hanay ng organisasyon.

Ito rin ay isang paraan upang mas mailapit ang serbisyo at programa ng PNP sa publiko. Isang serbisyong abot kamay, tapat at maasahan.

Read 754 times Last modified on Wednesday, 30 June 2021 16:20
Login to post comments