Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 17 May 2021 13:49

PNP Bicol nakiisa sa paglunsad ng “Barangayanihan Help and Food Bank” Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City---Ang Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, ay nakiisa sa pormal na paglulunsad nang proyekto ng PNP na “Barangayanihan Help and Food Bank” na naglalayong muling palawakin ang pagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan sa gitna ng hamong ating kinakaharap dulot ng COVID-19 pandemic noong ika- 14 ng Mayo 2021 na ginanap sa PRO5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City. Ito rin ay dinaluhan ng iba pang mga Police Regional Offices sa buong bansa.

Mula ika-22 ng Abril hanggang ika-12 nitong Mayo 2021, 49, 616 indibidwal na ang nabigyan nang tulong ng kapulisan sa naitayo nitong 777 barangayanihan kiosk at sa isinagawa nitong 1, 250 na aktibidad kaugnay ng proyeto sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Upang mas paigtingin ang modern day bayanihan at barangayan, sa kasalukuyan ang PNP Bicol ay mayroong nakahandang sari-saring goods at items, kasama na dito ang mga donasyong natanggap nito sa iba’t ibang ahensya at stakeholders na nakahandang ipamahagi sa komunidad upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kabilang sa mga nagbigay ng donasyon ay ang JCI Daraga; Rotary Club of Legazpi; KKDAT Burgos; Knights of the Golden Pot; LGUs; Partido Rice Mill; Mr. Noel De Luna; at iba pang mga pribadong personalidad.

Ang nasabing aktibidad ay nagbigay rin ng daan upang kilalanin ang mga iilang tao at stakeholders bilang pasasalamat sa kanilang pagbibigay tulong at suporta sa programa ng PNP.

Ang konseptong ito ay hango sa nauna ng programa ng PNP na “Kapwa Ko, Sagot ko” kung saan libo libo ng mga Bicolano ang nahatiran ng kapulisan ng tulong.

Sa mga darating na araw ang PNP Bicol sa pakikipagugnayan sa iba pang sector ng gobyerno ay patuloy na maghahatid at tutupad sa misyon nitong magbigay seguridad at pagasa bilang panimula sa pagbangon mula sa pagsubok na ito. Sisiguraduhin ng mga kapulisan na walang pamilyang maiiwan sa muling pagharap sa panibagong bukas.

Read 457 times Last modified on Wednesday, 30 June 2021 16:21
Login to post comments