Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 10 RD Mantra
  • 2 of 10 PNP Cybercrime Watch
  • 3 of 10 Isumbong sa Kasurog
  • 4 of 10 ano ang covid-19 delta variant
  • 5 of 10 a
  • 6 of 10 Social Distancing is Important
  • 7 of 10 c
  • 8 of 10 paano
  • 9 of 10 social
  • 10 of 10 Heal
Monday, 17 May 2021 13:46

RD Estomo pinangunahan ang pagtatapos ng 621 bagong pulis sa Bicol Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Pinangunahan ni PBGEN C ESTOMO, Regional Director, Police Regional Office 5, ang pagtatapos ng 621 bagong sibol ng kapulisan sa isinagawa nitong pagsasanay sa ilalim ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) noong ika-14 ng Mayo 2021 na ginanap sa PRO5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Ang mga nagtapos na ito ay itatalaga sa iba’t ibang Provincial/City Mobile Force Company at Regional Mobile Force Company upang mas palakasin ang pwersa sa pagsugpo ng kriminalidad lalo na ng insurhensiya at terorismo sa rehiyon.

Nagbigay rin ng daan ang seremonya upang kilalanin ang ipinakitang galing at mga nanguna sa nasabing training. Ang Medalya ng Kasanayan ay iginawad kay Pat Jason B Cristo; Pat Albert P Sullano; Patrowoman Kaziel Lizette A Panol na nagtapos kabilang top 3 sa klase. Sa kabilang dako, ibinigay rin and Leadership award kay Pat Julius C Barrun bilang pangkalahatang marcher at kay Pat Charles Emmanuel M Curioso sa pagiging presidente ng klase.
Ang iba pang pagkilala ay iginawad rin kay Pat Darrel L Arcillas at Patrolwoman Ma. Charlene A Baldon, para sa top gun marksmanship pistol; PatJestoni Balote at Patrolwoman Efreny G Aliano bilang mga top gun in marksmanship rifle.

Sa mensahe ni RD Estomo kanyang binigyang diin ang programa ng kasalukuyang administrasyon, sa pamumuno ni PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR, Hepe ng Pambansang Pulisya, na nakatuon sa Intensified Cleanliness Policy (ICP) na naglalayong linisin hindi lamang ang hanay ng kapulisan kundi pati na rin ang mga tanggapan at ang mga AOR nito patungo sa pagkamit ng tunay na pagbabago sa organisasyon.

Kanya ring pinaalalahanan ang mga bagong miyembro ng Kasurog Bicol sa kanyang adbokasiya upang matugunan ang pangangailangang panseguridad at pangkalusugan lalo sa gitna ng hamon ng pandemya na nakaangla sa salitang SAFE. Kung saan ang pulis ay nakikita (SEEN), pinahahalagahan (APPRECIATED) sapagkat sila ay nararamdaman (FELT) sa kanilang ekstraordinaryong (EXTRAODINARY) pagseserbisyo sa bayan.

Read 325 times Last modified on Wednesday, 30 June 2021 16:22
Login to post comments